At ito ang nadiscover ko kanina habang nakahiga ako sa mahabang upuan sa workplace ko. Kitang kita ng mga mata ko kung gaano kadaming kulangot na nakadikit sa ilalim ng mesa. Yung iba matindi ang pagkakakapit. Yung iba parang nalalapit na ang art of letting go. At yung iba, fresh pa.
Ang linis linis pa naman ng table na yun. Walang kahit anong nakalagay at bagong palit pa yung cover. Kung tutuusin parang ganito din yung ibang taong kilala ko. Akala mo ang linis. Akala mo ang dalisay. May mga taong ang hilig magmalinis na tipong napakaperpekto nila pero andami daming tinatago sa sarili. Hay. Ewan ko ba.
Tapos naisip ko, bakit nga ba ako nagpapakadeep. E kase bored ako at ayoko ng magtrabaho. So, sa huling pagkakataon ay tiningnan ko ulit ang mga kulangot sa ilalim ng table. Maaari bang wala akong remembrance? e d nag iwan din ako ng souvenier. Nagpahid din ako ng kulangot. mehehe